Sponsored Link


DE LIMA NAGSALITA NA TUNGKOL SA KUMAKALAT NA MALALASWANG VIDEO SA INTERNET!

Invited ako kahapon sa presscon ni former Department of Justice Secretary Leila de Lima na kumakandidato na senador pero hindi ako dumalo. Saka dahil may important meeting ako sa ABS-CBN para sa future ng aking mga talent na sina Amy Austria at Benjie Paras.
Hindi ko tuloy personal na narinig ang denial niya na hindi totoo na may video siya, tulad ng ipinagpipilitan ng another senatorial candidate at kapwa niya babae na si Sandra Cam.
Sumusumpa si Sec. Leila na walang katotohanan na may video siya at kapani-paniwala ang kanyang denial dahil kung totoo ‘yon, pinagpistahan na sana sa mga adult website sa Internet at pinagpasa-pasahan na sa mga cell phone.




Halos magkasabay kahapon ang meeting ko sa ABS-CBN at ang contract signing ni Ritz Azul sa Kapamilya Network.
The who si Ritz sa ibang mga tao pero ex-talent siya ng TV5 at matagal nang nag-aartista.
Natapos na ang kontrata ni Ritz sa Kapatid Network kaya nag-ober da bakod na siya sa ABS-CBN. Sa paglipat niya sa Kapamilya Network, hoping si Ritz na magiging bongga na ang takbo ng kanyang showbiz career.
Maraming salamat kay Jonas Gaffud dahil sa malaking pabor na ibinigay niya sa akin na forever kong tatanawin na isang malaking utang na loob.
Si Jonas ang mentor ng mga Pinay beauty queen na nagwagi sa mga international beauty pa­geant na kinabibilangan nina Megan Young, Venus Raj, Janine Tugonon, Shamcey Supsup, Ariella Arida at siyempre, ang reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach na babalik ngayon sa Pilipinas para sa coronation night sa April 17 ng bagong winners ng Bb. Pilipinas 2016.



Na-meet ko nang personal ang mga kandidata ni Jonas sa Bb. Pilipinas 2016 at sure na sure ako na may mga mananalo sa kanila.
Matindi ang competition sa mga aspiring beauty queen dahil lahat sila eh nangangarap na sundan ang yapak ni Pia. May eye for beauty si Jonas kaya wala sa kanyang mga alaga ang umuuwing luhaan mula sa mga beauty pageant na kanilang sinasalihan.
Malaki ang kinalaman ni Jonas kaya hindi nawalan ng pag-asa si Pia na sumali sa Bb. Pilipinas sa pangatlong pagkakataon, kesehodang sangkatutak ang mga discouragement na pinakawalan ng detractors nila na natameme nang masungkit ni Pia ang Miss Universe crown noong December 2015.

0 comments:

Post a Comment

 

Blogger news

Blogroll

About