Sponsored Link


SCARBOROUGH SHOAL PINAG AARALAN NA NG PILIPINAS KUNG...

PINAGAARALAN NA NG PILIPINAS ANG      PAKIKIPAGKASUNDO SA CHINA SA PAGTUKLAS NG           NATURAL NA YAMAN NG WEST PHILIPPINE SEA
Pinagaaralan na ng gobyerno ng Pilipinas ang posibilidad ng pagsasagawa ng paghahanap ng natural na yaman sa West Philippine Sea ayon kay Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana. Ang ahensya ng Enerhiya at Department of Foreign Affairs ang kasama sa pagaaral tungkol sa pagtuklas nito. Ayon pa sa kanya ang pinaka hamon nito ay kung paano ito magagawa, kung ito ay gagawin kasama ang kompanya ng US o British o China.



Kailangang malaman ng ating gobyerno kung ano ang mga natural na kayamanan ng nasabing lugar ang pwedeng makuha dito lalo na at sa loob ng 10 taon ay mauubos na ang supply ng enerhiya sa Malampaya gas fields.

Ayon naman kay Pangulong Duterte, bukas sya sa pagsasanib pwersa ng ating bansa at China sa pagtutuklas ng natural na kayamanan ng nasabing lugar. "Kung gusto ninyo, let's just develop what's the oil there, hati-hati na lang tayo," sabi ng ating pangulo.



"What will I do with the Scarborough Shoal? Swim there everyday? For what? To send my soldiers there to die? Nakalutang lahat? Susmaryosep! I will just have to start with the domestic problems," dagdag pa niya.

Ang patama naman ng ating pangulo sa mga hindi pabor dito ay ganito, "Hindi tayo dehado. Wala talaga tayong magawa because gusto ko man mag-giyera ngayon, maybe you can ask the ambassador. I'm willing to declare war against China tomorrow provided yung entire 7th fleet, ilagay mo dyan sa, pati yung mga eroplano mo, transfer all the missiles para sigurado tayong manalo. E kung mabugbog lang din ako, do you think that we will win? We'll just, we're in the fantasy, do you think we will win in a war? I will not because I will make a noise certainly because I'm the owner but this is not the time."

Ang mga pahayag ng pangulo ay ayon lamang sa kanyang bukas na ideya patungkol dito subalit ayon sa Malacanang wala pang malinaw na pasya sa posibleng pakikipagkasundo sa Beijing ukol sa "joint exploration".

0 comments:

Post a Comment

 

Blogger news

Blogroll

About